"Wala akong ibang hangad kundi ang pantay-pantay na itaguyod at maiangat ang kabuhayan ng ating
mga kadistrito upang matamasa ang buhay na masagana, may dignidad sa sarili at marangal na pamumuhay. Gagawin ko ang
lahat ng aking makakaya upang ang bawat tahanan, lalung-lalo na ang maliliit ay may masaganang pagsalusaluhan sa araw-araw,
kalusugan ng bawat isa, kalakal at hanap buhay sa mga nangangailangan, at mataas na uri ng edukasyon sa mga mag-aaral.
Salamat sa inyo Panginon at sana'y patnubayan Mo po kaming lahat sa aming mga mithiin sa buhay.
Maraming, maraming salamat sa inyong lahat. Wala akong ibang maitutumbas sa inyo kundi
ang tunay na "serbisyo publiko" na inyong hinahangad.
Ang taus puso kong pagbati sa inyo.
Lubos na Nagmamahal,
KAARON GENEROSO DC TULAGAN